94% ng mga Pilipino pabor sa mas ligtas na bike lane, walkway — sarbey

Here’s a preview of what your website’s text will look like by default. You can also adjust the typography of most elements separately. Note that the Font Size setting affects all the sizes defined in “rem” units, that is, almost all areas of your site.

via Remate Online

MANILA, Philippines – Ayon sa survey ng Pulse Asia na isinagawa para sa Mobility Awards, 94% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagtatayo ng mas ligtas at mas malalawak na bike lane at walkway.

Isinagawa ang survey noong Mayo 23–26, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 rehistradong botante sa buong bansa.

Lumabas din sa survey na:

-93% ang pabor sa pagpapalawak ng mga nakalaang lane para sa pampublikong transportasyon.

-82% ang sumusuporta sa subsidiya para sa pampublikong transportasyon.

-72% naman ang pabor sa pagpapanatili ng mga polisiyang nagbibigay-priyoridad sa mga pribadong sasakyan.

Ayon sa Mobility Awards, ipinapakita ng resulta ang tinatawag nilang “94% Paradox.” Batay sa pag-aaral ng SWS noong 2022, 94% ng mga pamilyang Pilipino ay walang sasakyan, ngunit patuloy na nababawasan ang pondo para sa imprastraktura ng aktibong transportasyon.

Mula sa ₱2 bilyon noong 2022, bumaba ang pondo para sa active transport sa ₱105 milyon ngayong 2026.

Hinimok ng grupo ang pamahalaan na gawing prayoridad ang active transport, maglaan ng hindi bababa sa ₱1 bilyong pondo sa 2027, at magpatayo ang mga lokal na pamahalaan ng magkakaugnay na bike lane at walkway.

Sa hiwalay na survey ng SWS noong 2023, tumaas sa 36% o humigit-kumulang 10 milyong kabahayan ang gumagamit ng bisikleta. Mahigit kalahati sa kanila (56%) ang nagsabing nagbibisikleta sila upang makatipid sa pamasahe.

Related News